Cebu, Philippines -Muling tiniyak ng Armed Forces of the Philippines-Central Command ang kaligtasan nga mga gustong bumiyahe at mamasyal sa ibat-ibang tourist destination sa Bohol mahigit dalawang linggo na ang nakaraan matapos pasukin ng Abu Sayyaf Group ang lalawigan.
Ayon sa pinuno ng AFP CentCom Civil Military Office, Lt./ Colonel Medel Aguilar, walang dapat na ikabahala ang mga residente at mga turista sa patuloy na paghahanap ng kapulisan at militar sa natitirang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group.
Tiniyak din ng AFP na sa higpit na pagbabantay ng militar at kapolisan sa loob ng 24 oras hindi na makakapanggulo ang natitirang mga terorista na hindi pa nanakalabas ng lalawigan.
DZXL558
Facebook Comments