MANILA – Sa kabila ng pagbawi ng npa sa kanilang ceasefire, irerekomenda ng government peace panel kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag bawiin ang unilateral ceasefire ng gobyerno sa rebeldeng grupo.Ayon kay presidential Adviser on the Peace Peocess Secretary Jesus Dureza, dapat ay manatili ang ceasefire ng gobyerno sa NPA para mapanatili ang kapayapaan sa mga komunidad na naghahangad lamang ng tahimik na pamumuhay.Irerekomenda rin aniya nila sa Armed Forces of the Philippines na ipagpatuloy ang pagprotekta sa mga sibilyan laban sa mga banta ng kaguluhan.Samantala, wala naman daw epekto sa AFP ang pagbawi ng CPP-NPA sa ipinapatupad na unilateral ceasefire na nakatakda sanang mag-terminate sa February 10.Giit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, ‘useless’ din naman ang nasabing ceasefire dahil hindi naman tumigil ang NPA sa ginagawa nilang extortion activities sa ilalim ng tinatawag nilang revolutionary taxation.
Armed Forces Of The Philippines, Hindi Apektado Kahit May Ceasefire
Facebook Comments