Armed Forces of the Philippines, kinumpirma ang pagsasanib-pwersa ng ilan local terrorist group sa Maute

Manila, Philippines – Nakipag-alyansa na ang ilang local terrorist group sa Mindanao sa grupong Maute.

Ito ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla sa Mindanao hour.

Ayon kay Padilla – matagal nang nagsanib pwersa ang mga teroristang grupo kaya ganoon na lamang ang dami ng bilang ng umatake sa Marawi City.


Kasabay nito, sinabi ni Padilla na maging ang ilang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ay sumanib na rin sa Maute.

Pero, nilinaw ng opisyal na walang kinalaman sa Marawi siege ang pag-atake sa isang paaralan sa barangay Malagakit, Pigcawayan, North Cotabato.

Sa ngayon ay umabot na sa 360 ang namatay sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi.

Facebook Comments