Dinagsa ng mga residente, partikular ng mga bata at senior citizen, ang isinagawang municipal-wide medical mission ng Armed Forces of the Philippines katuwang ang lokal na pamahalaan ng Laoac, Pangasinan kahapon, Marso 17, 2026.
Binigyang-diin ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na ito ang unang yugto ng municipal-wide medical mission na target maisagawa sa buong Pilipinas.
Iginiit naman ng lokal na pamahalaan na katuwang ng Department of National Defense ang LGU sa pagpapatupad ng programa upang mas mapalawak ang serbisyong pangkalusugan sa komunidad.
Sa tulong ng iba’t ibang sektor, nagbigay ang militar ng libreng serbisyong pangkalusugan tulad ng konsultasyon, dental services, at pamamahagi ng gamot sa mga residente.
Bukod dito, nakinabang din ang ilan sa libreng gupit habang nakatanggap naman ng irrigation tools at abono ang ilang magsasaka sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







