MGA MOTORISTA AT KONSYUMER SA DAGUPAN CITY, KANIYA-KANIYANG DISKARTE SA PAGTITIPID NG KONSUMO NG LANGIS AT KURYENTE

Sa gitna ng nagtataasang presyo ng langis at nakaambang pagtaas ng singil sa kuryente, kaniya-kaniyang diskarte ngayon ang mga motorista at kabahayan sa Dagupan City para makatipid sa kanilang pang-araw-araw na konsumo.

Si Tatay Aguedo, sa labas muna ng kanilang tahanan tumatambay para magpahangin. Aniya, maliban sa pagpatay sa mga appliances kapag hindi ginagamit ay ito ang kaniyang paraan para makatipid sa gastusin sa kuryente.

Sa paggamit naman ng kaniyang sasakyan, sinisikap niyang agawin nang minsanan ang mga kinakailangang gawin sa labas at kung malapit naman ay naglalakad na lamang.

Ang tricycle driver namang si Mang Teofilo, pinapatay muna ang makina ng kaniyang sasakyan kapag naiipit sa traffic at umiiwas muna sa mga hindi importanteng lakad.

Mula nitong nakaraang linggo ay aabot na sa bente pesos ang itinaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dulot ng kaguluhan sa Middle East. Sa kabila nito, umaasa naman ang ilan sa pagbuti ng sitwasyon upang makabalik na sa normal na presyuhan ang produkto, na malaking bahagi sa araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments