Armed Forces of the Philippines, paiigtingin na ang opensiba laban sa New People’s Army

Manila, Philippines – Mas paiigtingin na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang opensiba laban sa New People’s Army (NPA).

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana – asahan na ang malawakang opensiba ng militar laban sa mga rebeldeng grupo.

Kasunod aniya ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na putulin ang usapang pangkapayapaan dahil sa sunud-sunod na pag-atake ng makakaliwang grupo sa mga sundalo’t pulis.


Aniya, nakatakda na ring ibalik ang mga sundalo sa mga lugar na pinaka-apektado ng npa matapos ang kaguluhan sa Marawi.

Buong sandatahang lakas na mismo ang nagpayo kay Pangulong Duterte na itigil ang peace talks lalo’t hindi nakikita ang pagiging sinsero ng mga ito sa mga pagkakataong patuloy na ibinibigay ng gobyerno.

Facebook Comments