Grab at Uber, pinagbawalan munang tumanggap ng mga bagong driver

Manila, Philippines – Bawal na munang tumanggap ng mga bagong driver ang Uber at Grab.

Ayon kay LTFRB Spokesperson at Board member Atty. Aileen Lizada – dapat na ayusin muna ng mga nasabing kumpanya ang mga papeles ng mga kasalukuyan nitong driver.

Ito ay para mapanatili ang pananagutan ng mga Transport Network Vehicles (TNVS) sa kanilang mga pasahero.


Sa ngayon, hindi rin muna manghuhuli ang LTFRB ng mga kolorum na TNVS habang tinatalakay ang inihain nilang motion for reconsideration.

Naniniwala naman ang Grab na kakampihan ng gobyerno ang kagustuhan ng publikong magpatuloy sila sa pagseserbisyo.

Facebook Comments