Manila, Philippines – Aminado ang Armed Forces of the Philippines na wala silang eksaktong petsa kung kailan matatapos ang gulo sa Marawi City.
Ayon kay AFP Spokesperson B/Gen. Restituto Padilla – patuloy nilang ginagawa ang lahat para mailigtas ang mga bihag na hawak ng Maute Group.
Sa katunayan anya ang mga bihag na ito at ilan pang residenteng naiipit sa gulo ang ginagawang human shield ng maute – kaya hindi nila tuluyang mapasok ilan pang lugar sa Marawi.
Ibinunyag din ni Padilla na hindi nirerespeto ng Maute Group ang peace corridor na binuksan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front na layong mapabilis ang rescue at humanitarian operations sa mga sibilyang natrap sa kaguluhan.
Dahil sa mga ganitong insidente – naniniwala ang opisyal na magtatagal pa talaga ang bakbakan sa Marawi kung saan kailangan maging maingat para hindi malagay sa peligro ang kanilang tropa.
DZXL558