Panibagong travel ban ni US President Donald Trump, hinarang ng korte

World – Hinarang sa korte ang panibagong travel ban na ipinapatupad ni US President Donald Trump.

Sa desisyon ng three-judge panel ng ninth circuit court of appeals – hindi dapat tanggapin at ipatupad ang panibagong travel ban ni Trump sa anim na Muslim countries.

Nakasaad sa desisyon na tila nalampasan na ni Trump ang kapangyarihan na ibinigay sa kanya ng kongreso.


Pero, depensa ni US Spokesman Sean Spicer – kailangan nila ng nasabing executive order para mapigilan ang pagpasok ng terorista sa US.

Inaasahan na iaapela ng White House ang nasabing desisyon.
DZXL558

Facebook Comments