Armed struggle sa Mindanao, hindi matatapos kahit maubos ang mga Maute

Manila, Philippines – Hindi pa rin matatapos ang armed struggle sa bansa partikular sa Mindanao kahit pa masupil ng militar ang Maute terror group.

Ito ang sinabi ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio sa kabila ng pinangangambahang extension ng batas militar sa nasabing rehiyon.

Ayon kay Tinio, hanggat may mga grupo sa Mindanao na naaapi at hindi nasosolusyunan ang problema ng kahirapan, kabuhayan at hindi pagkakapantay-pantay ay hindi matatapos ang gulo.


Bukod dito, ang martial law ay nasesentro lamang sa pagtugis sa Maute terror group at hindi naman solusyon sa ibang problema.

Mauulit lamang aniya ng mauulit ang gyera dahil bukod sa Maute marami pang grupo ang nakikipaglaban naman sa kanilang karapatan tulad ng MNLF at MILF.

Dagdag pa ni Tinio, hindi ang extension sa martial law ang solusyon dahil may mga naunang kaguluhan na natapos ng mapayapa katulad na lamang sa Zamboanga crisis at bakbakan sa Camp Abu Bakar.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments