Tinipon ni DENR-ARMM Sec. Kahal Kedtag ang PENROs at CENROs ng ahensya pati ang ang Regional Assistant Regional Secretaries, foresters at officers nito sa isang operational planning workshop upang palakasin ang kanilang mga programa partikular ang may kaugnayan sa poverty alleviation.
Ang 2 araw na pagtitipon ay nagbigay ng updates hinggil sa mga aktibidad at proyekto sa mga lalawigan ng ARMM at naging daan din ito upang matalakay ang mga metodolohiya sa pagpapatupad ng mas epektibong pondasyon para sa susunod na taon.
Hinimok ni Sec. Kedtag ang PENROs at CENROs na magtulungan upang makahulma ng mainam na rehiyon, samantalang ang regional department ay magbibigay ng pamamatnubay at ayuda ngunit may iisang vission.
Ang DENR-ARMM ay committed na maibsan ang kahirapan sa 636 barangays sa rehiyon sa pamumuno ng regional secretary, sa tulong ng PENROs, magsasagawa ng ground verification sa mga area lalo na sa mga apektado ng kahirapan.
ARMM-DENR, pinalakas ang poverty alleviation programs para sa 2018!
Facebook Comments