ARMM Disaster Risk Reduction and Management Office, naka-red alert na kasunod ng nagpapatuloy na gulo sa Marawi City

Mindanao – Naka-red alert na ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Office at Office of Civil Defense sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Ito ay kasunod ng naging sitwasyon ng mga residente sa marawi city dahil sa patuloy na sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at maute group sa marawi city

Habang inilagay na rin sa blue alert ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.


Ito ay makaraang mapagkasunduan sa ginawang pagpupulong na ginawa ng NDRRMC ngayong araw.

Ayon kay Romina Marasigan, ang tagapagsalita ng NDRRMC, ibig sabihin nito, bawat ahensya ng gobyerno mula sa DSWD, DOH, AFP, BFP at pNp ay may kinatawan na sa operation center ng NDRRMC.

Magiging abala na ang mga ito 24/7 para tumanggap ng mga impormasyon at sitwasyon mula sa kanilang mga tao na nasa field.
DZXL558

Facebook Comments