Napapatay sa panig ng Maute Group, 13 na kaugnay sa gulo sa Marawi City

Marawi City, Philippines – Labing tatlong miyembro ng Maute Group ang napapatay ng tropa ng pamahalaan sa patuloy na nagaganap na bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay Col. Jo Ar Herera, tagapagsalita ng First ID ng Philippine Army, sa ngayon dalawang bangkay na ng mga kalaban ang kanilang narekober.

Nakuha rin sa Maute Group ang isang m16 rifle at component ng Improvised Explosive Device.


Sa ngayon ayon kay Herera, anim sa tropa ng pamahalaan ang nasawi habang 31 ang sugatan.
DZXL558

Facebook Comments