ARMM Gov. Hataman positibo na makakabangon ang Marawi City

Kasabay ng nagpapatuloy na paghilom ng mga sugat kaugnay sa nagyaring trahedya sa Marawi City umaasa si ARMM Governor Mujiv Hataman na hindi bibitiw sa kanilang pananampalataya ang mga naapektuhang residente na muling makakabangon sa tulong na rin ng dakilang lumikha.

Magkaisa tayo para sa muling pagbangon ng Marawi dagdag pa ng Gobernador kasabay ng kanyang pagtungo sa syudad kahapon bilang pakikiisa at pakikisimpatya sa hapding naranasan ng mga sibilyang nawalan ng mga mahal sa buhay bukod pa sa mga ari arian isang taon ang nakalipas.

Kaugnay nito, nag ikot ang gobernador sa Sagonsongan resettlement area at nagpaabot ng food packs at tubig bilang pang iftar sa mga nag aayunong mga residente. Pinasaya rin nito ang ilang kabataan sa pamamagitan ng pa ice cream. Sinasabing nasa 12,000 na mga indibidwal ang napagkalooban pa Iftar ng ARMM Government kahapon.


Bago pa man ang unang taong pagunita sa Marawi Siege , walang humpay na rin ang pamamahagi ng Ramadan Food Packs ng ARMM HEART sa mga residenteng nanunuluyan sa itinuturing na Tent City.

Samantala, puspusan rin ang mga inisyatiba ng ARMM Government para sa pagtulong sa muling pagbangon Marawi City. Positibo rin ang gobernador na mabilis na makakabangon ang syudad .

BPI ARMM Pic

Facebook Comments