Agad na nagpaabot ng ayuda ang ARMM government sa 30,000 mga residente na lumikas bunsod ng malaking sunog na naganap sa Jolo, Sulu kamakalawa.
Kanilnang umaga nang tumulak si Regional Governor Mujiv Hataman kasama ang ARMM Humanitarian Emergency Action and Response Team (ARMM-HEART) sa koordinasyon ng regional Department of Social Welfare and Development (DSWD-ARMM) at ng Department of Interior and Local Government (DILG-ARMM).
Umasiste din naman si AFP Chief of Staff Charlie Galvez at ang Joint Task Force Sulu.
Agad na mamahagi ng initial financial assistance ang regional government sa tinatayang 5, 000 pamilya na naapektohan ng sunog maliban pa sa food supplies na kinabibilangan ng 25 kilo ng bigas bawat pamilya.
Patuloy din naman ang monitoring ng regional government sa sitwasyon sa ground, pag-assess sa immediate needs, pag-mobilize ng kanilang resources para sa mga biktima ng sunog.(photo credit:Ms. Myrna Jocelyn Henry)
ARMM government agad inayudahan ang mahigit 30, 000 residente na nasunugan sa Jolo, Sulu!
Facebook Comments