Ang mga bayan naman ng Madamba at Bacolod-Kalawi sa lalawigan ng Lanao del Sur ang tinungo kahapon ng ARMM-HEART at World Food Program upang hatdan ng ayuda ang mga pamilyang napilitang lumikas doon bunsod ng naganap na giyera sa Marawi city.
Sinabi ni Stephen Gluning, World Food Program Representative/Country Director (WFP-Phils.), kailangan ng tulong ng IDPs sa lalawigan, magpapatuloy ang kanilang pagsuporta sa gobyerno sa muling pagbangon ng mga ito kasama ang iba pang UN agencies.
Tutulong ang WFP hanggang kakailanganin ang kanilang ayuda, dagdag pa ni Gluning.
Kahapon, abot sa 1, 251 na mga pamilyang lumikas sa nabanggit na mga bayan ang nabahagian ng tig-iisang sakong bigas mula sa WFP at ARMM-HEART.
Nakalatag na ang schedule ng WFP at ARMM-HEART para sa patuloy na pamamahagi ng tulong sa IDPs sa iba’t-ibang bahagi ng Lanao del Sur hanggang sa buwan ng Nobyembre.
ARMM-HEART at WFP, patuloy ang ayuda sa mga IDPs sa Lanao del Sur!
Facebook Comments