Abot sa 300 mga pamilya ang pinagkalooban ng agarang tulong ng ARMM Humanitarian Emergency Action Response Team.
Karamihan sa mga pamilyang nakinabang ay nagmumula sa Mt. Feris Area na walang awang binulabog ng mga armadong grupo noong panahon ng kapaskuhan.
Nanguna sa pagbibigay ng food items at non food items na kinabibilangan ng bigas , sardinas, corned beef , kape , banig, balde, twalya at face towel sa unang araw ng 2018 si RDRRMC Director Ramil Masukat katuwang ang OSCC ARMM at mga elemento ng 57th IB.
Matatandaang sinalakay at pinaulanan ng bala ng mga elemento ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers ang mga sibilyan na karamihan ay mga lumad sa Mt. Feris, maliban pa sa pinagsusunog ng mga ito ang kanilang mga tahanan ayon pa sa military.
Kasalukuyang pahirapan ang sitwasyon ng mga lumikas na sibilyan na pansamantalang sumisilong sa covered court ng Datu Hoffer.
Samantala, nakatakda namang muling mamahagi ng kahalintulad na tulong ang Provincial Government ng Maguindanao bukas,
ARMM Heart namahagi ng tulong sa mga lumikas sa Mt. Feris
Facebook Comments