Nakaalerto na ang ARMM Humanitarian Emergency Action & Response Team kasabay ng masamang panahong nararanasan.
Agad na ring pinulong ng ARMM HEART ang lahat ng mga bumubo ng Technical Working Group para mapaghandaan ang bagyong si Ompong. Kabilang sa mga pinulong ng ARMM HEART sa pangunguna ni RDRRMC Executive Director Ramil Masukat ang mga representante ng DILG, DOST, PAG-ASA, PNP, AFP at mga Rescue Organization sa rehiyon.
Bagaman hindi direktang maapektuhan ng bagyo , muli namang pinaaalahanan ng ARMM HEART ang publiko na mag-ingat at maging ligtas .
Samantala ngayong araw, idineklara ring walang pasok sa ilang LGU sa Central Mindanao bunsod sa maagang malakas na pagbuhos ng ulan na naranasan. Kabilang rito ang Cotabato City, Pigcawayan North Cotabato at Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao.
ARMM HEART on Standby na dahil sa Bagyong Ompong
Facebook Comments