Ilang elected at appointed officials mula sa beneficiary barangays ng ARMM-Health, Education, Livelihood, Peace and Governance and Synergy (HELPS) at ARMM-Bangsamoro Regional Inclusive Development with Growth and Equity (BRIDGE) ang dumalo sa dalawang araw na Capacity Development Training sa Parang, Maguindanao.
Ang naturang mga opisyales ay mula sa mga bayan ng Parang, Barira, Buldon at Matanog.
Ang training ay naglalayong matulungan ang barangay officials na makapag-comply sa good governance conditions at lumawak pa ang kanilang mga kaalaman at kasanayan sa usapin ng gender and development, peace and security, human rights, civil registration, disaster preparedness and resiliency, fund management at accounting.
Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG)-ARMM ang pagsasanay bilang chair ng Development Administration Cluster ng ARMM-HELPS at ARMM-BRIDGE implementation.
ARMM-HELPS at ARMM-BRIDGE Capacity Development Training!
Facebook Comments