ARMM, kumuha ng mga bagong guro para sa Lamitan City!

14

Abot sa 51 mga guro ang mga bagong guro ng Department of Education-ARMM na itatalaga sa Lamitan City division.
Ang bagong hired teachers ay nakatanggap ng appointment and deployment orders nitong SABADO sa ginanap na acceptance and mass oath-taking ceremony na isinagawa sa Datu Dizal Cultural Center, Lamitan City.
Ang mass signing ay dinaluhan ni ARMM Governor Mujiv Hataman, DepEd Regional Secretary Atty. Rasol Mitmug Jr.
ANg pagkuha ng mga bagong guro ay bahagi ng mission ng DepEd-ARMM na makapagbigay ng dekalidad na edukasyon para sa mga kabataang Bangsamoro.
Kinuha ang naturang mga guro matapos na pumasa sa strict hiring process na kinabibilangan ng Assessment and Competency Examination for Teachers in ARMM, interview at teaching demonstration.(photo:bpi-armm)

Facebook Comments