Lalaki, huli sa Drug Buy Bust Operation sa Pikit, Cotabato!

Himas rehas ngayon ang 27 anyos na lalaki makaraang mahuli sa isinagawang drug buy bust Operation ng PDEA-12 at mga elemento ng Pikit-PNP.
Kinilala ni PCI Romy D. CastaƱares, hepe ng Pikit Municipal Police Station (MPS) ang nahuli na si Mohamed Bongkalis Bongga, residente ng barangay Fort Pikit, Pikit, Cotabato.
Ayon sa ulat mula kay Police Officer Abdulgani G. Mangelen, chief Investigator ng Pikit-MPS, nakatakas ang pangunahing target ng operasyon na hindi na muna pinangalanan, dumaan umano kasi ito sa likod ng bahay kaya mabilis na naka eskapo.
Si Bongga na kasama umano ng target ang natimbog ng mga awtoridad.
Nakuha mula sa pag-iingat ni Bongga ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu at ang 500.00 peso bill na marked money.
Agad namang nai-turn over sa Provincial Crime Laboratory sa Kidapawan city ang mga drogang nakuha sa suspek upang idaan sa eksaminasyon.(with report from: Jessie Ali)

Facebook Comments