Upang makakalap ng mga pananaw at suporta para sa mga program at proyekto nito, ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay nakipagdayalogo sa kanilang partners sa pamamagitan ng Regional Development Forum. Ang forum ay isinagawa sa koordinasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Ang multisectoral partners ay dinaluhan ng mga kinatawan ng iba’t-ibang national government agencies, local at international nongovernmental organizations, maging ng business chambers.
Sinabi ni ARMM Executive Secretary Atty. Laisa Alamia, ang nabanggit na forum ay nagsilbing avenue upang ipabatid at ipakita sa kanilang development partners at stakeholders ang mga napagtagumpayan ng regional government.
Iprinisenta sa forum ang ARMM RDP (Regional Development Plan) para sa taong 2017-2022 na naka-angkla sa national long-term vision, itinuturing na “living documents” ng rehiyon para sa Bangsamoro.
Ang five-year medium-term plan ay nagsisilbing blueprint ng mga prayoridad ng rehiyon bilang suporta sa pagkamit ng ARMMBisyon 2040, na kumakatawan sa pinagsamang vision at aspirations ng Bangsamoro.
Napag-alaman na binalangkas ng ARMM ang long-term vision alinsunod sa AmBisyon Natin 2040 ng NEDA.
ARMM, nakipagdayalogo sa development partners nito!
Facebook Comments