ARMM Officials suportado ang Bangsamoro Government

25

Muling inihayag ng ARMM Government na suportado nila ang papalapit na Bangsamoro Government.

Kaugnay nito, handang handa na para sa gagawing transition ang mga opiyales ng ARMM ayon pa kay Executive Secretary at kasalukuyang DSWD ARMM Sec. Atty Laisa Alamia.

Sinasabing matagal na rin silang nakipag ugnayan sa mga opisyales ng OPAPP, MILF at BTC sa simula pa man ng pagsulong ng Bangsamoro Basic Law.

Inihayag ito ni Secretary Alamia kasabay ng isinagawang Christian Peace Forum sa Social Action Center Conference Hall , Archbishop Mongeau Center sa Cotabato City ngayong araw na kung saan nilahukan ng mga opisyales ng ibat ibang simbahan at Christians Leaders.

Matatandaang nauna na ring inihayag ARMM Governor Mujiv Hataman na handa itong bumaba sa pwesto anu mang oras sakaling pumasok na ang bagong panggobyerno ng mga Bangsamoro.

Iginiit rin ng gobernador na hindi ito magiging hadlang lalong lalo na kung para sa kapakanan ng nakakarami sa rehiyon.

Ang Bangsamoro ang nakatakdang papalit sa bubuwaging ARMM.

Facebook Comments