ARMM-RPOC, nagpulong; DND Sec. dumalo!

40

Ginanap ang unang pagpupulong ng Regional Peace and Order Council (RPOC) ng ARMM ngayong taon sa Western Mindanao Command Camp sa Zamboanga City.
Maliban sa mga miyembro ng RPOC, dumalo rin sa pulong si National Defense Sec. Delfin Lorenzana, Alexander Macario, assistant secretary for peace and order ng Department ng Interior and Local Government at Lt.Gen. Carlito Galvez Jr., Western Mindanao commander ng Armed Forces of the Philippines.
Pinangasiwaan ni Philippine National Police-ARMM director PCSupt. Graciano Mijares ang pulong.
Tinalakay ng council ang kasalukuyang sitwasyon sa usapin ng seguridad, kapayapaan at kaayusan sa ARMM pati na ang kampanya kontra iligal na droga.
Iprinisenta naman nina ARMM Executive Sceretary Laisa Alamia, Cabinet Secretary John Louie Balagot at Interior and Local Government Secretary Atty. Noor Hafizullah ang mga inisyatibo at programa ng ARMM government kaugnay ng peace and order.
Nagdoon din sa RPOC meeting sina ARMM Vice Governor Haroun Alrashid Lucman at Public Works Secretary Don Mustapha Loong.(photo credit:bpiarmm)

Facebook Comments