Isa Pang Anak ng Mayor sa Cagayan, Huli Rin Matapos Makumpiskahan ng Iligal na Baril!

Gonzaga, Cagayan- Kasabay sa isinagawang Search Warrant ng RSOT- CIDG RFU 2 sa bayan ng Gonzaga kahapon, Marso 24, 2018 ay nahuli rin ang isa pang anak ng Mayor sa pagdadala ng iligal na baril.

Ang nahuli ay kinilalang si Jondel Pentecostes, trentay nuwebe anyos, may asawa, kapatid ni Jonjie Pentecostes at residente ng naturang bayan.

Nakuha mula kay Jondel ang isang calibre .45 pistol, isang caliber .40, isang piraso ng magazine for calibre 40, 2 pieces magazines for calibre .45, 16 pieces live ammunition for calibre .45 and 16 pieces magazines for m16 riffle.


Narekober naman mula sa pag-iingat ni Jonjie Pentecostes ang 1 calibre 9 mm pistol HI- power Industria Argentina, 1 magazine for calibre 9mm, 9 pieces ammunition for calibre 9 mm pistol, 1 live ammunition for calibre 5.56 rifle, 2 high capacity magazine assembly for calibre .40 with TM .40 SW made in Italy at 33 live ammunition for calibre .40 pistol habang nakumpiska naman kay Antonio Bucaneg ang 1 unit caliber .45 Norinco, 2 pieces magazines for caliber .45 and 15 live ammunition for caliber .45.

Nasa CIDG, Cagayan PFU (Aparri Sub Office) na ang tatlong naaresto para sa kaukulang disposisyon at mahaharap sa dalawang Kasong Paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act at Kasong Smuggling.

Facebook Comments