ARMM, sisimulan na ang pagkumpuni sa mga nasirang eskwelahan bunsod ng Marawi crisis!

Sisimulan na ng Department of Education-ARMM ang pagsasaayos sa 7 mga nasirang eskwelahan sa Marawi city at 54 iba pa sa iba’t-ibang bahagi ng Lanao del Sur.
Inihayag ni DepEd-ARMM Assistant Secretary Alfhadar Pajiji, ang naturang development kasabay ng isinagawang relief distribution at classrooms visit ni ARMM Governor Mujiv Hatamanat iba pang opisyal ng ARMM sa Amai Pakpak Central Elementary School.
Sinabi ni Pajiji na ang inisyal na budget para sa repair ay P34 million, huhugutin ito mula sa regular program ng DepEd, pabibilisan ng DEPED-ARMM ang repair at rehabilitation ng naturang mga paaralan.
Nagbalangkas ang DepEd-ARMM ng recovery programs and plans at nagsagawa ng initial damage assessments sa mga eskwelahang lalubhang naapektohan ng Marawi crisis, nagbibigay din sila ng e-learning assistance, psychosocial first aid at feeding program para sa school children na naapektohan ng krisis.(photo credit:bpiarmm)

Facebook Comments