Upang matutukang mabuti ang rehabilitasyon at reconstruction efforts sa Marawi City, kinailangang bumitiw ni ARMM V-Gov. Haroun Alrashid Lucman Jr. bilang concurrent regional secretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-ARMM).
Hahalili bilang cuncurrent secretary ng departemento si ARMM executive secretary Atty. Laisa Alamia ang posisyong binakante ng bise-gubernador.
Sinabi ni V. Gov. Lucman na kailangang mag-focus sa future plans upang makatulong sa Marawi rehabilitation, lalo na sa paparating na environment activities sa Lanao sa pamamagitan ng Ecowatch at bilang Regional Vice Governor.
Pangungunahan ng opisyal ang mga pagsisikap na maipatupad ang mga programa at proyekto na idinisenyo para sa rehabilitation and reconstruction ng Marawi city.
Si V-Gov.Lucman ay nagsilbing DSWD-ARMM Secretary mula noong 2013. Sa pamamagitan ng mga programa at proyekto ng departemento, aktibong pinamunuan nito ang paghahatid ng basic social services sa mahihirap na pamilya at komunidad sa ARMM.
Kabilang sa mga ipinatutupad na programa ng DSWD-ARMM ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Family and Community Welfare Program (FCWP); Child and Youth Welfare Program (CYWP);Regional Juvenile Justice Welfare Committee (RJJWC); Emergency Assistance Program (EAP); at Women’s Welfare Program (WWP).(photo credit:bpiarmm)
ARMM Vice-Governor, nagbitiw bilang cuncurrent secretary ng DSWD-ARMM!
Facebook Comments