Army detachment sa Agusan Del Sur, hinarass ng NPA

Agusan Del Sur, Philippines – Hinarass ng New People’s Army (NPA) ang Military Detachment Ng 26th IB, Philippine Army sa Tagyago Brgy. Osmeña, Sr. Bayan ng La Paz, Agusan Del Sur kahapon.

Sa kasagsagan ng pagpapaulan ng putok ay nasugatan si CAA Felimon Perez at napatay.

Ayon kay 26th IB Philippine Army Battalion Commander Lt. Col. Rommel Pagayon, nasa labas ng detachment si CAA Perez nang mangyari ang harassment na humantong sa halos sampung minutong palitan ng putok mula sa panig ng mga rebelde at kasundaluhan na dahilan upang mabilis ding umatras ang mga ito sa takot na dumating ang reinforcement ng militar.


DZXL558

Facebook Comments