Army detachment sa Maguindanao, hinagisan ng granada

Maguindanao, Philippines – Pinasabugan ng granada ang detachment ng Charlie Company ng 57th IB sa Barangay Labo Labo sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao kagabi.

Ayon sa report ng Maguindanao Police Provincial Office dakong alas siyete ng gabi ng ihagis ng hindi pa kilalang tao ang nasabing granada sa lugar na tinutulugan ng mga sundalo sa loob ng detachment.

Mabuti na lamang ay walang natutulog na sundalo ng mangyari ang panghahagis kayat walang tinamaan sa pagsabog.


Nagmula umano sa labas ng detachment ang nagtapon ng granada at pinaniniwalaang ito ay paghihiganti o diversionary tactics ng mga armadong grupo ng Biff sa nagpapatuloy na operasyon ng mga sundalo sa SPMS box.

DZXL558

Facebook Comments