Lalaking menor de edad na naglaro ng pabibitay ng sarili, natuluyan

Iloilo, Philippines – Natuluyan ang 13-anyos na batang lalaki ng mag-laro ito kunyari na “nagbibitay” ng sarili kahapon sa kanilang bahay sa barangay Nabitasan, Leganes, Iloilo.

Natagpuan na lamang ng kanyang nakatatandang kapatid ang biktima na nakabitay sa gulod ng kanilang bahay alas 12 kahapon ng tanghali.

Sinabi ni Police Sr. Inspector Lita Nofuente, hepe ng Leganes PNP na madalas umanong naglalaro ang biktima na umano’y nagsu-suicide ito sa pamamagitan ng pagbitay.


Ayon kay Nofuente, nakita mismo kahapon ng kapatid ang paglalaro ng biktima ngunit pinabayaan lamang ito sa dahilang naglalaro lamang ito.

Gayunman, natagpuan na lamang na nakabitay na at wala nang buhay ang biktima kung kaya’t pinaniniwalaang natuluyan ito sa kanyang laro.

Naniniwala ang pamilya ng biktima na aksidente ang nangyari at walang foul play na naganap kaya wala silang plano na ipa-autopsy pa ang bangkay nito.

DZXL558

Facebook Comments