Army Lieutenant Colonel, arestado ng CIDG BARMM dahil sa Extortion

Kulungan ang bagsak ng isang Army Lt. Colonel matapos ikasa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng CIDG BARMM at MIB ng Kampilan Division sa Datu Odin Sinsuat Maguindanao.
Kinilala ni CIDG BARMM Regional Chief Col. James Gulmatico ang nahuling opisyal ng sundalo na si Lt. Col. Samsudin Pulua, EX –O ng CMO Batallion ng 6th ID.
Ikinasa ang operasyon laban sa opisyal matapos ireklamo ng mga aplikante o mas gustong magsundalo ng pangingikil. Sinasabing nasa 100K ang hinihingi ng suspek sa bawat aplikante.
Kahapon, hindi na nakaarte pa ang opisyal matapos maentrap at tanggapin ang 500 peso bill at 4500 na boodle money.
Kasalukyang nahaharap na sa kasong Extortion si Lt. Col. Pulua.
Kaugnay nito, ikinalungkot naman ng military ang pagkakasangkot ng kanilang opisyal sa nasabing kontrobersiya. kasabay ng panawagan ng hayaan na lang rin aniyang ang korte na ang magdesisyon sa kasong ito.
CIDG BARMM Pic

Facebook Comments