Army reservist, arestado dahil sa illegal possession of firearms at ammunition

10

New Washington, Aklan – Arestado ang isang army reservist matapos na makuhaan ng mga baril at bala sa isinagawang raid sa kanyang bahay kaninang umaga sa Sitio Bugasongan, Brgy. Guinbaliwan, New Washington, Aklan. Ang suspek ay kinilalang si John Arboleda, 45-anyos at residente rin ng nasabing lugar. Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Vice Executive Judge Montalid Patnubay Jr., ng RTC, Branch 9, Kalibo Aklan ay isinagawa ang pag search sa bahay ng suspek sa pangunguna ng CIDG-Aklan sa pamumuno ng kanilang hepe na si PCaptain Ma. Gina Ferolina at New Washington PNP ay nakuha ang mga sumusunod: • Cal. 45 na may serial number 217525 • 1 revolver black widow 9mm • 5 magazine assembly ng calibre 45 • 4 live ammunitions ng 9mm • 1 inside holster • 2 magazine pouch at • 55 live ammunitions ng cal 45 Ayon kay PCapt. Ferolina na may mga report na natanggap ang kanyang opisina na itong si Arboleda ay nakikita sa kanilang lugar na laging may dalang baril at minsan ay nagpapaputok kaya binabaan ito ng search warrant. Napag-alaman na una na itong nakasuhan sa kaparehong kaso. Wala ring mga dokumento ang mga nasabing armas. Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng New Washington PNP si Arboleda habang inihahanda naman ang kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Illegal Possession of Firearms and Ammunitions. Samantala, nagpaalala naman si PCapt. Ferolina sa may mga armas na kung wala itong dokumento ay isurender sa kanilang opisina at sa mga legal ang kanilang armas ay dapat ilagay sa tama.

Facebook Comments