Arnell Ignacio, kinasuhan si Mystica: ‘Hindi mo puwede mura-murahin si Presidente’

Facebook

Naghain ng reklamo si Arnell Ignacio laban kay Mystica dahil umano sa pambabatikos kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagsampa ang actor-host na kasong cyberlibel, inciting to sedition at paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act sa Imus City Prosecutor’s Office sa Cavite City.

Sa isang Facebook post noong Biyernes, sinermunan ni Ignacio ang singer-actress sa pagmumura nito kay Duterte sa social media.


“Kapag seryoso ang issue e, file na ako ng case. Hindi talakan lang sa FB. Hindi mo puwede mura-murahin si Presidente nang ganun ganun lang at aatungal ka pagkatapos,” saad ng aktor.

“Mas malala, nagyaya ka pa na pabagsakin ang gobyerno imbis na tumulong ka na lang. ‘Yung pagmumura mo naman e parang PERSONAL ang kasalanan sa iyo e. Kahit man lang sana sa edad nung tao e binigay mo na kahit katiting na paggalang,” dagdag niya.

Noong Abril nang mag-viral ang video ni Mystica na binabatikos ang aksyon ng administrasyong Duterte sa krisis sa COVID-19.

Kalaunan ay humingi rin siya ng paumanhin at sinabing naglabas lang siya ng saloobin tungkol sa gobyerno.

Facebook Comments