Iniurong ng Pasay City Metropolitan Trial Court Branch 47 ang arraignment sa kasong grave threat na kinakaharap Ni Sen. Antonio Trillanes IV.
Sabi ni Atty. Reynaldo Robles, legal counsel ni Trillanes ipinagpaliban muna ni judge Glen Santos ang arraignment dahil mayroon pa itong nakabinbing mosyon sa korte.
Itinakda naman ng korte sa March 29 (Biyernes) ang pagbasa ng sakdal kay Trillanes.
Nag-ugat ang kaso nang harapang kastiguhin ni Trillanes si Labor Undersecretary Jing Paras sa gitna ng Senate Session Hall noong isang taon.
Sinabi ni Paras na apat na beses siyang pinagbantaan ni Trillanes sa loob lamang ng 30 minuto.
Sinabihan din aniya siya ni Trillanes na siya ay “yayariin” na para kay Paras nangangahulugan ito na tatapusin o papatayin siya.