Mga kandidato sa halalan, pinapahintulutan lamang na magkaroon ng 2 security escorts

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) pinapayagan lamang ang mga kandidato ng May 13 midterm elections na magkaroon ng dalawang security escorts.

Ayon kay DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya – nag-isyu na ang PNP ng direktiba na naglilimita sa bilang ng police escorts sa bawat kandidato sa buong bansa.

Aniya, kapag sumobra sa dalawa ang police escorts ay pag-aarestuhin ng PNP ang mga sobrang escort.


Facebook Comments