Arraignment sa kaso ni dating PAGCOR Chairman Efraim Genuino, hindi natuloy

Manila, Philippines – Muling naudlot ang pagbasa ng sakdal kay dating PAGCOR Chairman Efraim Genuino sa mga kasong graft at perjury na kinakaharap nito dahil sa mga nakabiting incidence sa kanyang mga kaso.

Sa graft case ni Genuino ay wala pang resolusyon sa hiling ng prosecution na amiyendahan ang impormasyon ng kaso ni Genuino.

Ang asuntong ito ay kaugnay ng 37 million pesos na ibinuhos ng PAGCOR para sa training ng mga swimmers na lumahok sa 2012 Olympics.


Giit ng prosecution, hindi aprubado ng PAGCOR board ang pagpapalabas ng pondo para dito.

Samantala, sa four counts naman ng perjury ni Genuino, hindi pa nareresolba ng korte ang motion for reconsideration ng dating PAGCOR Chairman sa determination ng probable cause.

Sa kasong ito, inaakusahan si Genuino na hindi idineklara ang ariarian sa Makati, Muntinlupa at Laguna sa kanyang SALN mula 2002 hanggang 2005.

Itinakda muli ang arraignment ni Genuino sa ikalawa ng Agosto bagamat ito ay conditionally arraigned na dahil sa paglabas nito ng bansa.
DZXL558

Facebook Comments