Paglilitis at pagdinig sa pagpyansa ni Atty. Gigi Reyes, pagsasabayin na lamang ng korte

Manila, Philippines – Isasabay na ng Sandiganbayan 3rd division ang paglilitis at motion for bail ni Atty. Gigi Reyes na kapwa akusado ni dating Senate President Juan Ponce Enrile sa pork barrel scam cases.

Katwiran ni Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje Tang, mas mabuting pagsabayin ito para hindi na kumain ng mahabang panahon ang proseso.

Ang magkasabay na paglilitis at pagdinig ay pasya ng korte at hindi na ito tinutulan ng prosecution at depensa.


Ito naman ay mag-uumpisa sa June 21.

Ayon naman sa prosecution, may labing limang saksi silang ihaharap sa bail hearing ni Reyes para patunayan na mabigat ang ebidensiya laban dito at salungatin ang hirit na makapagpiyansa ang dating staff ni Enrile.

Sa naging pahayag noon ni Ruby Tuazon, si Reyes ang itinuturong tagatanggap ng pork barrel kickback para kay Enrile mula sa mga pekeng NGOs ni Janet Lim-Napoles.
DZXL558

Facebook Comments