Arrest warrant ng Senado, fake news ayon kay BOC Commissioner Nicanor Faeldon

Manila, Philippines – Binigyan diin ni dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon na fake news ang report na pinaaaresto na siya ng Senado.

Ayon kay Faeldon, commitment order lang ang isinilbi sa kanya ng Senate Sergeant at Arms para masiguro na dadalo siya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa Lunes kaugnay sa 6.4 billion pesos na shabu na nakapuslit sa BOC.

Pagtitiyak ni Faeldon, pupunta siya sa Senado pero, nagmatigas siya na hindi magbibigay ng testimonya.


Aniya, mas pipiliin niyang makulong kaysa humarap sa komite lalo na’t hindi naman siya mabibigyan ng patas na hustisya.

Facebook Comments