ARREST WARRANT | Tindig Pilipinas, tinawag na finest hour ang desisyon ng Makati judge

Pinapurihan ng opposition coalition na Tindig Pilipinas ang Makati Regional Trial Court Judge na nagbasura sa kahilingan ng Department of Justice (DOJ) na isyuhan ng warrant of arrest si Sen. Antonio Trillanes.

Sa isang statement, inilarawan ng Tindig Pilipinas na solomonic ang ibinabang resolusyon ni Judge Andres Soriano.

Ikinatuwa ng grupo ang naging maingat na pagsuri ni Judge Soriano sa mga ebidensya at sa masusing pagtimbang sa mga ito.


Ito anila ang finest hour ni Judge Andres Soriano at habambuhay na tatanawing utang na loob ng bansa ang ipinakita nitong judicial independence.

Tinawag nila na matapang ang desisyon dahil naibaba ito sa gitna anila ng matinding pressure ng rehimen na tinawag nilang mapaniil at hindi mapalampas ang kritisismo.

Ang Tindig Pilipinas ay isang coalition na ang ilang sa mga grupo ay kabilang sa Liberal Party.

Facebook Comments