UNREGISTERED HEALTH PRODUCTS | FDA kinasuhan ang isang doktor

Ipinagharap ng reklamo ng Food and Drug Administration (FDA) ang isang doktor dahil sa pagbebenta ng unregistered health products.

Partikular na kinasuhan si Dr. Farrah Agustin-Bunch ng paglabag sa Republic Act No. 9711 or FDA Act of 2009 sa Tarlac Provincial Prosecutors Office.

Ayon kay FDA Director General Nela Charade Puno, noon pa lamang Hunyo 2017, nagpalabas na sila ng Summons with Preventive Measure Order laban kay Dr. Agustin-Bunch makaraang mahuli itong nagbebenta ng tinatayang nasa P900,000 na hindi rehistradong mga health products tulad ng Dr. Farrah’s Boston C, Dr. Farrah Cyeton at Dr. Farrah Skeleton.


Nito lamang August 2018 naglabas ang ahensya ng desisyon at inatasan ang doktor na magmulta ng P1.072 milyon at kinansela na rin ang kanyang license to operate.

Sinabi pa ni Puno na layon lamang ng FDA na pangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipino laban sa mga hindi rehistrado at mapanganib na mga produkto.

Facebook Comments