Manila, Philippines – Nagpaalam na sa mga empleyado ng Korte Supema si outgoing Chief Justice Teresita De Castro.
Sa flag raising ceremony kanina, binigyan din si De Castro ng arrival honor ng mga opisyal at empleyado ng Supreme Court (SC).
Kabilang sa mahistradong present sina Associate Justices Diosdado Peralta, Mariano del Castillo, Estela Perlas Bernabe, Francis Jardeleza, Benjamin Caguioa, Noel Tijam, Andres Reyes Junior at Jose Reyes Junior.
Nasa official travel naman sina Associate Justices Lucas Bersamin at Marvic Leonin habang di naman nakadalo sa flag raising ceremony sina Senior Associate Justice Antonio Carpio at Associate Justice Alexander gesmundo.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni De Castro ang mga kapwa mahistrado at mga empleyado ng Korte Suprema na nakasama niya sa nakalipas na mahigit walong taon.
Bukas ang huling araw ni De Castro sa trabaho kung saan pangungunahan niya ang en banc session sa umaga at oral arguments naman sa hapon kaugnay ng pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).