“Art of assassination”, dapat matutunan ng pulis at militar sa paglaban sa sparrow units ng NPA

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pulis at militar na matutunan ang “art of assassination” upang mapuksa ang mga sparrow unit.

Ang sparrow unit ay ang hit squad ng New People’s Army (NPA).

Sa kanyang talumpati sa Iloilo, nais niyang magkaroon ng special unit na lalaban sa sparrow unit.


Noong nakaraang taon, sinabi ni Pangulong Duterte na muling binuhay ng NPA ang sparrow unit nito matapos mabigo ang usapang pangkapayapaan ng gobyerno at rebeldeng komunista.

Facebook Comments