ARTA Director General Beljica at apat pang opisyal nito, sinuspinde ng Ombudsman

Pinatawan ng 6 na buwang preventive suspension ng Tanggapan ng Ombudsman si Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Beljica at 4 pang opisyal nito.

Ito’y matapos silang sampahan ng reklamong Grave Misconduct at Gross Neglect of Duty and Conduct of Prejudicial to the Best Interest of the Service ng DITO Telecommunity Incorporated.

Base sa records, naglabas ng Resolution at Order of Automatic Approval ang ARTA noong Marso 1, 2021 na nag-uutos ng pagbibigay ng Contingent Frequencies sa NOW Telecom Company Inc.


Pero ang frequencies na iniutos ng ARTA na italaga sa NOW telecom ay una nang naibigay sa DITO Telecommunity Inc., na napiling ikatlong telco.

Pero dahil wala nang isang buwang natitira sa pagtatapos na termino ng administrasyong Duterte, na-convert na lang sa multa ang parusa sa halagang katumbas ng suweldo ng respondent sa panahon ng pagsususpinde.

Ang iba pang opisyal na sinuspinde ay sina ARTA Deputy Director Eduardo Bringas; Sheryl Pura Sumagui, Division Chief Jedrek Ng at Melamy Salvadora – Asperin, mga Director ng ARTA.

Facebook Comments