DSWD Region 5, nakataas na sa Blue Alert kasunod ng mga pagputok ng Bulkang Bulusan

Handa na sa pagresponde ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga maaaring maapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Sa ngayon, may 25,069 na family food packs pa ang available sa DSWD warehouse sa Legaspi City, Catanduanes at Masbate.

Bukod dito ang stockpile na food items na nagkakahalaga ng ₱16,800,549 at non-food items na nagkakahalaga ng ₱30,870,818.


Sa ngayon, nakatutok na ang DSWD sa mga kaganapan sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkan.

Nakataas na rin sa Blue Alert Status ang Quick Reaction Teams ng DSWD Region 5.

In-activate na rin ang Social Welfare and Development Team (SWADT) Sorsogon at naatasan na makipag-coordinate na sa mga Local Government Units (LGU) para sa updates at reports.

Facebook Comments