Sinagot na umano ng Anti-Red Tape Authority o ARTA ang mga nasilip umano ng Commission on Audit (COA) sa kanilang 2020 audit report.
Una rito kinalampag ng COA ang ARTA dahil sa hindi pagsumite ng kanilang financial report at iba pang mga kailangang dokumento.
Sa isang statement, sinabi ng ARTA na nakapagsumite na sila ng kaukulang dokumento bago ang July 30 deadline.
Isinisi naman ng ARTA sa kakulangan ng tauhan ang dahilan ng hindi pagkakasumite ng dokumento sa COA team.
Nangako ang ARTA na makikipag-kooperasyon sa COA sa ngalan ng transparency.
Bagama’t napakabago pa ng ARTA bilang ahensya ,sisikapin nitong maging huwaran ng isang bukas at mapagkakatiwalaang bantay ng abuso sa gobyerno.
Facebook Comments