Nanawagan ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa ibang ahensiya ng pamahalaan na i-activate ang kanilang mga social media account.
Nais nito ay para palakasin ang pagtanggap ng mga reklamo mula sa publiko.
Ayon kay ARTA Director General Secretary Jeremiah Belgica, mas gusto ng publiko ngayon na maghain ng reklamo sa social media dahil mas madaling i-access at gamitin.
Malapit na ring ilunsad ng ahensiya ang ARTA Dashboard at ARTA Citizen Services Mobile Application.
Ang dalawang online platforms ay makakatulong para mas mapadali ang paghahain ng reklamo laban sa mga government official at employees na lumalabag sa Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.
Facebook Comments