Malaking bagay umano ang mabilis na transaksyon sa ibang stakeholders at makahikayat pa ng mas maraming mamumuhunan na siyang makapagpapaangat sa ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Anti-Red Tape Authority o ARTA Director General Sec. Ernesto Perez, maayos daw ang mga pinakahuling development hinggil sa ginagawang streamlining at digital solutions na iniaalok ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mapaganda pa ang paghahatid serbisyo sa publiko kasunod ng Ease of Doing Business Convention sa Pasay City ngayong araw.
Kabilang sa mga nakiisa sa naturang convention ang iba’t ibang dignitaries tulad nila US Ambassador to the Philippines Mary Kay Carlson, Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-Hwa at mga kinatawan ng business sector.
Samantala, isinagawa rin dito ang paglagda ng Memorandum of Understanding ng ARTA sa iba’t ibang business community gaya ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, Management Association of the Philippines at Nordic Chamber of Commerce of the Philippines.