ARTA, ikinatuwa ang pormal na pagkatatag ng Philippine Trade Facilitation Committee

Ikinalugod ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang paglikha ng isang ahensya na magpapabilis ng mga proseso sa Bureau of Customs (BOC).

Kasunod naman ito ng paglagda na ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order 136 na nagtatag ngayon sa Philippine Trade Facilitation Committee.

Ayon kay ARTA Secretary Jeremiah Belgica, may maitutulong ito sa ongoing streamlining at re-engineering programs nito tulad ng National Single Window Program at TradeNet.


Ang EO ay bilang pagtalima na rin sa World Trade Organization-Trade Facilitation Agreement (WTO-TFA) na iminamandato na lahat ng mga member-state ay dapat magkaroon ng national committee na maglalatag ng mekanismo sa trade facilitation.

Umapela si Belgica sa lahat ng Trade Regulatory Government Agencies na maayos na gamitin ang TradeNet platform upang mapagbuti ang customs procedures at ang pagpapatupad ng mas pinadali at mas matipid na trade transactions.

Kasama rin dito ang mas bukas na pagbibigay ng oportunidad sa Micro, Small, and Medium-Sized Enterprises na aktibong makibahagi sa international trade.

Facebook Comments