ARTA, kinasuhan ang isang opisyal ng FDA dahil sa delay sa application processing

Pormal na naghain ng patong-patong na reklamo sa Office of the Ombudsman ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) laban sa pinuno ng Food and Drug Administration – Center for Drug Regulation and Research (FDA-CDRR).

Sa isang motu-propio disposition na may petsang June 8, 2021, nasa 412 counts ng reklamo ang inihain ng ARTA laban kay FDA – CDRR Director Jesusa Joyce Cirunay.

Kabilang sa kasong ito ay ang failure to render government services within the prescribed processing time under Section 21 (e) of the Republic Act No. 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018


Ayon sa Red Tape Watchdog, nakitaan umano nila ng sapat na batayan na hindi inaaksyunan ni Cirunay ang daan-daang Automatic Renewal (AR) drug applications.

Sa ilalim ng FDA’s Citizen’s Charter, mayroon lang dalawampung araw para sa pag-release at processing ng applications para sa renewal ng registration mula sa pagkatanggap ng kumpletong requirements.

Lumilitaw na taong 2014 pa nakabinbin ang naturang bilang ng AR drug applications sa lamesa ng FDA.

Facebook Comments