Nagbabala ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa mga ahensya ng gobyerno na bigong mapabilis ang mga transaksyon at nagreresulta sa mga backlog.
Kasunod ito ng natatanggap na mga reklamo ng ARTA na ilang ahensya ng pamahalaan ang hindi nakakatupad sa zero backlog policy.
Ayon kay ARTA Director General Jeremiah Belgica, malinaw ang nakasaad sa Republic Act 11032 o Ease of Doing Business na hindi dapat tumatagal ang mga dokumento o aplikasyon sa permit o lisensya.
Aniya, mayroon lang hanggang 20 araw ang mga tanggapan ng gobyerno para iproseso ang matatanggap nilang aplikasyon.
Giit ni Belgica, kapag lumampas na ng 20 araw ay maituturing ng backlog ang aplikasyon.
Aniya, may karampatang mga parusa ang mga ahensyang mabibigong sumunod dito.
Facebook Comments